From 04e439518b2f46212fad8f77fc61c26802adeb8c Mon Sep 17 00:00:00 2001 From: Job Bautista Date: Fri, 26 Mar 2021 17:12:38 +0800 Subject: [PATCH] Tagalog/Filipino translation --- README_tl.md | 39 +++++++++++++++++++++++++++++ index_tl.md | 70 ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 2 files changed, 109 insertions(+) create mode 100644 README_tl.md create mode 100644 index_tl.md diff --git a/README_tl.md b/README_tl.md new file mode 100644 index 00000000..0bb94e00 --- /dev/null +++ b/README_tl.md @@ -0,0 +1,39 @@ +# Isang bukas na liham para suportahan si RMS. + +Para pumirma, **i-click [ito](https://github.com/rms-support-letter/rms-support-letter.github.io/new/master/_data/signed)** at pangalanan ang file na `.yaml` (palitan ang `` sa iyong pangalan) na naglalaman ng: + +```yaml +name: +link: +``` + +Hindi kasama ang `<>`. + +Halimbawa: +```yaml +name: Halimbawang pangalan +link: https://github.com/halimbawang_username +``` + +Huwag gamitin ang `<>` sa file na ito, pati na rin ang mga simbolong hindi kasama sa ascii para sa pangalan ng file. +Kung ginagamit mo ang iyong e-liham bilang kawing, lagyan mo ng `mailto:` sa simula. +Kung puwede, gamitin mo ang tunay mong pangalan at ilagay mo ang mga proyekto at naka-anib na organisasyon sa saklong. + +Tapos **i-click ang "Propose new file"** at sundin ang kailangang gawin para gumawa ng merge request. + +Panatilihin nating matatag ang tono, pero propesyunal. + +Kung kaya mo, i-kunsidera mo ang pamamahagi ng liham na ito sa iyong mga forum at social media, at ipabatid sa mga manunulat na makakatulong sa ating pinaglalaban. + +**Pinagsasama-sama ang mga pull request sa loob ng 12 oras - dahil sa dami sila'y ipagsasama-sama sa mga magkakasamang pangkat.** + +Puwede rin i-fork at clone ang repo. Gumawa ng file na `_data/signed/.yaml` nang manu-mano, tapos i-commit at mag-submit ng PR. + +Kung gusto mong suportahan ang liham nang hindi ginagamit ang Github, puntahan ito: https://codeberg.org/rms-support-letter/rms-support-letter/issues/1 + +## Mga silid pang-usap + +- **Matrix.org:** #free-rms:matrix.org +- **IRC:** #free-rms at chat.freenode.net +- **Discord:** https://discord.gg/7FWkxG4CsU +- **Telegram:** https://t.me/free_rms diff --git a/index_tl.md b/index_tl.md new file mode 100644 index 00000000..c9b6346c --- /dev/null +++ b/index_tl.md @@ -0,0 +1,70 @@ +--- +layout: signed + +title: Isang bukas na liham para suportahan si Richard M. Stallman +description: Isang bukas na liham para suportahan si Richard Matthew Stallman sa kanyang muling pagbabalik sa Pundasyon para sa Malayang Software +image: /assets/social-media-preview.png +locale: tl +twitter: + card: summary_large_image +--- + +2021-03-23 + +Si Richard M. Stallman, madalas na kilala bilang RMS, +ay naging pangunahing puwersa sa kilusan para sa +malayang software ng ilang dekada, maraming mga kontribusyon +tulad ng sistemang operatibo na GNU at Emacs. + +Kamakailan, nagkaroon ng mga mapahamak na mga pag-atake online, +upang alisin siya mula sa lupon ng mga direktor ng FSF dahil +sa pagpapahayag ng kanyang mga personal na opinyon. Nakita na namin +ito mangyari noon sa isang organisadong moda laban sa mga +prominenteng aktibista at programista para sa malayang software. +Hindi na kami mananahimik, ngayo'y inaatake na ang mismong +nagtatag ng komunidad na ito. + +Ang FSF ay may kasarinlan at may kakayahang tratuhin ang +mga miyembro sa isang makatarungan at walang pinapanigang moda, at hindi ito +dapat sumuko sa mga panlabas na panggigipit-sosyal. Hinihikayat namin ang +FSF na ikonsidera ang mga argumento laban kay RMS nang walang kinikilingan +at tunay na maunawaan ang kahulugan ng kanyang mga salita at aksyon. + +Noon pa man, ipinapahayag ni RMS ang kanyang mga pananaw sa mga paraan +na makakapag sama ng loob ng maraming tao. Kadalasan, siya'y nakatuon sa mga +pilosopikong pundasyon, at sinisikap na matamo ang obhetibong +katotohanan at linguistikong kalinawan, habang hindi binibigyang diin ang mga +damdamin ng mga tao sa mga bagay na kanyang binibigyang komento. Dahil dito, +ang kanyang mga argumento ay madaling mauuwi sa di-pagkakaunawaan at maling +paglalarawan, na sa tingin namin ay nangyayari sa bukas na liham para sa kanyang pagtatanggal. +Ang kanyang mga salita ay dapat ipaliwanag sa kontekstong ito at +bigyang diin na kadalasan, hindi siya interesado sa isang diplomatikong +pag-uusap. + +Anuman ang kanyang opinyon, ang mga komento ni Stallman sa mga bagay na +kung saan siya inuusig ay walang kaugnayan sa kanyang +abilidad na mamuno ng isang komunidad tulad ng FSF. +Isa pa, may karapatan siya sa kanyang mga opinyon tulad +ng sinuman. Ang mga miyembro at tagasuporta ay hindi kailangang +sa kanyang mga opinyon, pero dapat irespeto ang kanyang +karapatan sa kalayaan sa pag-iisip at pananalita. + +**Sa FSF:** + +Kapag tinanggal niyo si RMS, masasaktan lang ang inyong imahe at malaking dagok +ito sa momentum ng kilusan para sa malayang software. +Hinihikayat namin kayo na ikunsidera ang inyong mga gagawin nang may pag-iingat, +sapagkat ang inyong mga desisyon ay magkakaroon ng seryosong epekto +sa hinaharap ng industriyang software. + + +**Sa mga nanggugulo na pinagtutulungan si Richard Stallman dahil sa +kanyang mga makatwirang argumento sa pagtatalo at iba't ibang mga opinyon at paniniwala +na kanyang sinabi ng ilang dekada bilang isang kilalang tao:** + +Wala kayong karapatan sa pagpili kung sino mamumuno sa kahit anong komunidad. +Lalong hindi sa pamamagitan ng pagtutulungan ng isang tao o komunidad na hinding-hindi kailanman +makakahawig sa isang makatarungan at maayos na pagtatalo na ginawang halimbawa +ng mga mabubuting tao tulad ni Richard Stallman. + +Para pumirma, [mag-submit ng isang pull request](https://github.com/rms-support-letter/rms-support-letter.github.io/pulls).